BABAING AFRICAN HULI SA PEKENG CANADIAN PASSPORT

BI 100

HINDI lumusot ang isang African woman sa mga tauhan ng Bureau of Immigration matapos nitong tangkaing umalis ng bansa gamit ang pekeng Canadian passport.

Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang inaresto na si Safae Hazot Medin Omran, 31-anyos. Hindi na siya pumalag nang arestuhin sa Mactan International Airport sa Cebu.

Pasakay na ng Eva Airways flight papuntang Taipei si Omran para doon sumakay papuntang Vancouver, Canada nang harangin ng BI.

Inamin umano ng babae ang kanyang totoong nationality sa pamamagitan ng pagprisinta ng Eritrean passport na nakatago sa kanyang hidden luggage.

Nakaditine ngayon ang banyaga sa BI detention facility sa Bicutan, Taguig City.

5

Related posts

Leave a Comment