BABALA SA CIVIL SERVANTS: BAWAL MANGAMPANYA

james

(NI ARDEE DELLOMAS) MAHAHARAP sa asunto sa Civil Service Commission ang sinomang civil servants na hayagang mangangampanya para sa mga kandidato, babala ng opisyal ng Commission on Elections official nitong Lunes.

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez, sa press conference, ang civil servants ay pinahihintulutang magpahayag ng kanilang political opinions. “What they are not allowed is to foist their political opinions on their subordinates,” paliwanag niya.

Ayon pa kay Jimenez, hindi rin maaaring gamitin ng civil servants ang resources para isulong ang kanilang personal na opinyon.

Nang tanungin hinggil sa tarps na naka-display sa government offices na nagpapahayag ng “welcome” o pagbati sa potensiyal na kandidato, ipinayo ni Jimenez sa publiko na idulog ito sa CSC. Ang CSC aniya ang maaaring magdesisyon hinggil dito at hindi ang Comelec.

Ang election period para sa May 2019 midterm elections ay magsisimula sa Enero 13, 2019.

Ang campaign period para sa mga senador at party-list group ay mula sa Pebrero 12 hanggang Mayo 11, 2019.

Ang mga kandidato para sa House of Representatives at regional, provincial, city, at municipal posts ay mangangampanya sa Marso 30 hanggang May 11, 2019.

Ang araw ng eleksiyon ay sa Mayo 13, 2019.

160

Related posts

Leave a Comment