BAGONG ‘FRIENDSTER’ GAMIT SA PHISHING – DICT

PINAG-IINGAT ang publiko sa bagong social media app na Friendster dahil malaki ang posibilidad na ginagamit ito para sa phishing.

Sa isang advisory, sinabi ng National Computer Emergency Response Team (NCERT) ng Department of Information and Communication Technology (DICT) na makikita sa initial investigation na ang IP address na nagho-host ng bagong Friendster ay natuklasan na mayroong “previous reports about phishing, brute force and DDoS attacks, hacking, and host exploitations.”

“Having said that, there is a possibility that the said website is being used for phishing,” ayon sa DICT-NCERT.

Ang Stunner, isang Facebook page, ay nag-post na nagbalik ang Friendster at libo katao na ang lumagda rito.

Nag-update naman ng post kasama na ang babala mula sa DICT-NCERT kaugnay sa “bagong” Friendster site.

Sinabi ng ahensya na ang link ay nagbibigay sa post ng paggamit ng “non-popular top-level domain (.click).”

Hindi kasama sa sinasabing bagong Friendster website ang “About Us” page, na ayon sa DICT-NCERT ay maaaring makapagbigay ng impormasyon kung sino ang nag-develop ng website.

Kaya pinayuhan ng departmento ang publiko na huwag basta mag-click sa mga nakikitang link o post.

“Do not click suspicious links to avoid future potential threats at Do not register on this website because your data may be compromised.”

Ang Phishing ay isang uri ng cyber attack na ginagamit para nakawin ang data ng isang user gaya ng passwords at bank, o credit card information sa pamamagitan ng paggamit ng link sa isang page na nagpapanggap na lehitimong website. (CHRISTIAN DALE)

50

Related posts

Leave a Comment