BAGONG Q CLASSIFICATIONS IAANUNSYO NI PDU30 SA LUNES

IHAHAYAG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bago o sa mismong araw ng Lunes, Hunyo 29 ang quarantine classifications na ipatutupad sa susunod na buwan.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ipinaalam na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa local government units ang tungkol sa posibleng quarantine status upang bigyang daan ang apela ng mga ito bago ang araw ng pag-anunsyo ng Pangulo.

Ang kasalukuyang quarantine classifications ay nakatakdang mapaso’ sa Hunyo 30.

“May rekomendasyon na po pero this is subject to review by the President. Anyway, the President will announce on or before the 29th, I believe,” ayon kay Sec. Roque .

Sa kabilang dako, hinikayat naman ni Sec. Roque ang publiko na huwag maniwala sa mga false information tungkol sa nilalaman ng magiging hakbang ng pamahalaan.

“[I]yong mga fake news na kumalat po noong isang linggo o noong dalawang linggong nakalipas, maling-mali po at ibang-iba doon sa nilabas na desisyon ng ating Presidente. Konting antay lang po,” aniya pa rin.

Walang lugar sa Pilipinas ang isasailalim pa sa new normal sa mga darating na araw matapos na magdesisyon ang IATF na manatili ang bansa sa ilalim ng community quarantine para pabagalin ang pagkalat ng COVID-19.

Sa kasalukuyan, tanging ang Cebu City ang nasa ilalim ng enhanced community quarantine habang ang kalapit-lungsod nito na Talisay ay nasa ilalim naman ng modified ECQ.

Ang nalalabing lugar sa bansa ay nasa ilalim ng general community quarantine o modified GCQ. CHRISTIAN DALE

185

Related posts

Leave a Comment