BAHAGYANG nabawasan ang lakas ng bagyong Ambo matapos ang ikaanim nitong landfall ngayong umaga.
Humagupit ang bagyo sa Eastern Visayas at ilang bahagi ng Kabikulan mula kagabi.
Ngayong tanghali, iniulat na nasa bahagi na ng Catanauan, Quezon ang sentro ng bagyong Ambo at papalapit sa Northern Quezon – Laguna area.
Ayon sa PAGASA, ang eyewall region ng bagyo ay naghahatid ng mapaminsalang hangin at heavy hanggang intense na pag- ulan sa norther portion ng Bondoc Peninsula.
Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 125 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 165 kilometers bawat oras.
Bahagya itong bumilis at kumikilos na ngayon ng 20 kilometers bawat oras sa direksyong northwest.
Mula sa TCWS #2, nakataas na sa TCWS #3 ang mga lugar na kinabibilangan ng : Quezon, Rizal, Laguna, southern portion ng Aurora, southern portion ng Nueva Ecija, eastern portion of Bulacan, western portion of Camarines Norte, Marinduque. CESAR BARQUILLA
322