BAGYONG AMBO, POSIBLENG LUMAKAS PA

POSIBLENG lumakas pa ang bagyong Ambo sa loob ng 24-oras habang halos hindi ito gumagalaw sa bahagi ng Mindanao.

Sa pinakahuling weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), maaaring maging ganap na bagyo o maging Tropical Storm ang Tropical Depression Ambo at posibleng maitaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Silangang Visayas sa susunod na mga oras.

Ayon sa PAGASA, asahan ang malakas na hangin na dulot ng bagyong Ambo na kauna-unahang bumisita sa bansa ngayong taon.

Ibinabala ng weather bureau ang flashfloods at landslides sa panahon na bubuhos ang malakas na pag-ulan.

“Flooding and rain-induced landslides may occur in highly to very highly susceptible areas during heavy or prolonged rainfall,” ayon sa PAGASA.

“Moderate to rough seas will be experienced over the eastern seaboards of Eastern Visayas and Caraga. Fisherfolks and those with small seacrafts are advised not venture out on these areas,” dagdag ng weather bureau.

Dakong alas-10:00 ng umaga nang huling mamataan ang bagyong Ambo sa layong 385 kilometro ng Surigao City, Surigao del Norte. Taglay nito ang lakas ng hangin na hanggang 55 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 70 kilometro kada oras.

Tinataya ng PAGASA na sa kalupaan ng Bicol Region tatama o magla-landfall ang bagyo. (JEFF TUMBADO)

76

Related posts

Leave a Comment