BAKUNA NI PDU30 TINIYAK NA ‘DI SMUGGLED

0

ITINATWA ng Malakanyang na smuggled at illegal ang COVID-19 vaccine na itinurok kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Hindi pa umano clear ang bakuna na mula sa Chinese state firm Sinopharm sa para emergency use sa bansa.

“The vaccine from Chinese state firm Sinopharm that Duterte took on Monday is “covered by compassionate use,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Matatandaang noong Pebrero, ang Philippine drug regulator ay nagbigay sa security team ng compassionate use license para sa 10,000 Sinopharm shots.

Bilang commander-in-chief ng Armed Forces of the Philippines, “entitled” si Pangulong Duterte na gumamit ng nasabing bakuna.

“As far as the President is concerned, he did not violate any laws,” ayon pa kay Roque.

Ang bakuna na natanggap ni Pangulong Duterte ay bahagi ng karagdagang 1,000 doses na idinonate ng China.

Kaagad namang dumalo sa pulong si Pangulong Duterte matapos mabakunahan at hindi naman ito nakaranas o nakaramdan ng anomang reaksyon mula sa bakuna.

Samantala, sinabi ng Food and Drug Administration (FDA) ng Pilipinas na ang Sinopharm’s COVID-19 vaccine na itinurok kay Pangulong Duterte ay covered ng compassionate use permit (CSP) na ipinalabas ng ahensiya noong Pebrero. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publicationโ€™s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment