BALASAHAN SA GABINETE POSIBLENG ISABAY SA SONA

duterte-30

(NI BETH JULIAN)

INAASAHAN na ang balasahan sa Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kung hindi ngayong linggo ay posibleng magaganap ito kasabay ng State of the National Address (SONA) ng Pangulo.

Pero ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, maliit lamang na bilang ng Gabinete ang maaapektuhan ng reshuffle o balasahan.

Gayunman, hindi na tinukoy ni Andanar kung sinu-sino ang mga maaapektuhan ng balasahan.

Si Andanar ay isa sa tinutukoy na maapektuhan saan itatalagang presidential adviser on political affairs kapalit ng kumandadito at ngayon ay senator Francis Tolentino.

Gayunman,  ayon kay Andanar, wala pa naman siyang tinatanggap na pinal pahayag galing sa Pangulo ukol sa isyu.

81

Related posts

Leave a Comment