BALASAHAN SA GOBYERNO ASAHAN

duterte begica12

(NI BETH JULIAN)

INAASAHAN na ang balasahan sa mga opisyal ng gobyerno sa darating na mga araw.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagharap nito sa Filipino community sa Tokyo, Japan Huwebes ng gabi.

Giit  ng Pangulo, ito ay sa layong masawata ang katiwalian sa gobyerno kaya pinag-iisipan na niya ang pagpapatupad ng balasahan.

Sa nasabing pagtitipon, ipinakilala rin ng Pangulo sa Filipino community si Presidential Anti Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica.

Ipinagmalaki ng Pangulo na si Belgica ang tumatayong tagakalkal ang baho ng mga opisyal ng gobyerno na nasasangkot sa korupsyon kaya nais niya itong ilipat sa puwesto na higit na makatutulong sa kanyang kampanya laban sa katiwalian.

 

 

127

Related posts

Leave a Comment