BALIK PROBINSYA SUSPENDIDO

SINUSPINDE ng pamahalaan ang implementasyon ng Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program upang gamitin ang resources o pondo para rito sa pagpapaalis ng mga stranded individual sa Metro Manila patungo sa mga lalawigan.

Sinabi ni National Housing Authority (NHA) General Manager Marcelino Escalada Jr. na nagbigay si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng malinaw na kautusan para tulungan ang mga tao na-stranded dahil sa COVID-19 restrictions.

“This was a clear instruction from the President, unahin pauwiin ang ating mga kababayan na stranded dito sa Maynila and these are the OFWs (Overseas Filipino Workers), the construction workers, ating mga turista at mga estudyante.

That is the arrangement right now,” ayon kay Escalada.

Aniya, ang implementasyon ng Balik Probinsiya program ay magre-resume sa oras na ang transportasyon ay available at ang mga stranded na indibidwal ay natulungan.

“I foresee that in the next month, let’s say for example July, I think bababa na ang demand ng stranded and therefore [ang] Balik Probinsiya will now take our second rollouts by that time,” aniya pa rin.

“We want to make sure that on one hand the LGUs (local government units) are ready to receive their own constituents by then,” dagdag na pahayag ni Escalada.

Ang programa na sinuportahan ni Senador Bong Go, ay nakapanghikayat ng libo-libong aplikante at nakapagpauwi na ng mahigit 100 indibiduwal sa Leyte.

Noong nakaraang buwan ay nilagdaan ni Pangulong Duterte ang executive order na lumikha ng Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Council, na ang mandato ay magpatupad ng mga government initiative na ang layunin ay paluwagin ang Metro Manila at i-promote ang countryside development.

Samantala, umapela naman si Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong Jr., na suspendihin ang programa, na kanyang sinisisi sa kamakailan lamang na pagsirit ng COVID-19 cases sa mga lalawigan. CHRISTIAN DALE

71

Related posts

Leave a Comment