BALITANG PAGBITAY KAY MARY JANE VELOSO ‘DI TOTOO

mary

(NI DAVE MEDINA)

ITINANGGI ang mga naglabasang balita na natuloy na ang pagbitay sa Pinay domestic helper na nahulihan ng droga sa Indonesia na si Mary Jane Veloso.

Ayon sa Indonesian Attorney General’s Office (Ago), wala pang desisyon ang korte at si Pangulong Joko Widodo na ituloy ang parusang kamatayan kay Veloso dahil hinihintay pa ang magiging hatol ng hukuman dito sa Pilipinas sa sinasabing illegal recruiter at  drug trafficker ng Pinay domestic helper na kababayan nito sa probinsya.

Ayon kay AGO spokesperson Mukri, walang katotohanan ang mga kumakalat na balita ukol sa kaso ni Veloso na ito ay bibitayin na.

Kinumpirma rin ni Agus Salim, Indonesian lawyer ni Veloso na  nananatili ang Pinay sa Wirogunan Women’s Prison sa Yogyakarta, Indonesia.

Maaalalang nasentensiyahan si Veloso ng parusang kamatayan sa Sleman District Court sa Yogyakarta matapos makuhanan ng 2.6 kilo ng heroin sa kaniyang bagahe sa Adisutjipto International Airport taong 2010.

Sa kabila nang pagtanggi ni Veloso na kanya ang ipinagbabawal na droga, hindi iyon pinawalaan ng korte kaya nahatulang mamamatay sa pamamagitan ng firing squad.

Naitakda na ang pagfiring squad kay Veloso pero pansamantalang ipinagpaliban ni Indonesian President Widodo dahil sa pakiusap ng gobyernong Flipino na makatestigo ang DH sa human tafficking case ng kanyang recruiter dito sa bansa.

Si Widodo ay kilalang mahigpit sa mga kasong may kaugnayan sa ipinagbabawal na droga at ilang banyaga at sariling Indonesian national niya ang tinuluyan ng kamatayan sa firing squad.

173

Related posts

Leave a Comment