NAIS ng ilang senador na managot si ret. Marine Gen. Alexander Balutan sa alegasyon ng korupsyon habang nakaupo sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, dapat kasuhan ng Malacañang si Balutan sa paglabag ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Idinagdag pa nito na kung ang datos na isinumite sa Senado hinggil sa small town lottery ang pagbabatayan, naniniwala sya sa desiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin ang dating general manager ng PCSO.
Naniniwala naman si Senador Sherwin Gatchalian na nakalinya nang sibakin sana si Balutan nang maglustay ito ng P6 milyon para lamang sa kanilang Christmas party noong 2017.
Noong Biyernes ng gabi ay sinibak na sa tungkuling si Balutan dahil sa alegasyon ng ‘seryosong korupsiyon’ sa tanggapan na lubhang ikinadismaya ng Pangulo.
119