BAN O REGULATE?

(NI NOEL ABUEL)

NAIS ni Senate Majority Leader Migz Zubiri na klaruhin kay Pangulong Rodrigo Duterte ang tunay na paninindigan nito sa isyu ng vaping o e-cigarette.

Ayon kay Zubiri, makikipag-ugnayan sila sa Malakanyang upang maging malinaw din ang direksyon na kanilang tatahakin sa lehislatura.

Ipinaliwanag ng senador na kung sadyang nais ng Pangulo na total ban ang ipatupad laban sa vaping ay mangangailangan ng batas para magkaroon ng regulasyon sa implementasyon nito.

“Gusto namin makipag-usap kay Presidente ano ba talaga ang gusto nya. Kung talagang outright ban, kailangan meron din tayong batas dahil napakahirap iban ng isang bagay kung walang batas na nagbibigay ng regulasyon,” saad ni Zubiri.

Magsasagawa anya ang Senado ng caucus upang pag-aralan din ang kanilang hakbangin na may kinalaman sa vaping lalo na sa pagpataw ng buwis.

Isa aniyang posibleng negatibong epekto ng pagpapa-ban ng vaping ay ang maaaring bumalik sa paninigarilyo ang mga lumipat na sa e-cigar.

Sa isinusulong na panukala ni Zubiri, dapat umanong iregulate ang vaping kung saan ipagbabawal ito sa mga pampublikong lugar at hindi maaaring ibenta sa menor de edad.

Tulad din anya sa sigarilyo, dapat mayroong health warning ang vape at hind papayagan ang mga flavored syrup na inilalagay sa vape.

“Ipagbabawal din ang flavored kasi doon nagkakaproblema. Nagkakaproblema pala pag nilagyan ng langis kasi naiiwan sa baga pag palagi ginagamit nagkakaroon ng langis ang baga,” paliwanag pa ni Zubiri.

150

Related posts

Leave a Comment