(NI BETH JULIAN)
PUMALAG ang Malacanang sa pahayag ni United Nations High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet na kumokondena sa kampanya kontra ilegal na droga ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, posibleng nagmula ang impormasyon ni Bechelet sa mga kritiko ng kasalukuyang gobyerno.
Sinabi ni Panelo na padalus-dalos ang pahayag ni Bachelet na walang respeto sa rule of law and war on drugs campaign ng gobyerno.
Tahasan pang sinabi ni Bachelet na isa rin ito sa mga problema ng isang bansa.
Sa 40 session ng UN Human Rights Council sa Gene sinabi ni Bachelet na hindi dapat tularan ng ibang bansa ang anti drug war capaign ng Pilipinas.
Giit pa ni Panelo na pinapanagot ng batas ang mga nagkakasalang pulis at hindi ito kinukunsinti ng pamahalaan.
Depensa pa kay Panelo, sumusunod sa protocol ang mga awtoridad sa mga anti drug operations nito at nananatiling guamgana ang pundasyon ng criminal justice system at epektibo naman ito.
154