(NI BERNARD TAGUINOD)
“TOTAL blackmail.”
Ganito inilarawan ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate ang banta na posibleng magkaroon ng 100% water price hikes kasunod ng pagbawi ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa extension ng kanilang concessionaire agreement.
“Again this is another total blackmail. Panawagan natin sa pamahalan na huwag hayaang parang hinohostage ng mga water concessionaires ang gobyerno at mga consumers,” ani Zarate.
Unang sinabi ni Maynilad President and CEO Ramoncito Fernandez sa joint hearing ng House committee on public accountability at committee on good government na malaki ang epekto ng pagbawi ng MWSS sa 15 years extension sa kanilang concession agreement.
“Maraming factors ang kailangan i-compute… It’s definitely more than 100%,” ani Fernandez na sinusugan naman ni Manila Water board member Antonio Aquino.
Subalit, ayon kay Zarate, hindi dapat magpadala ang gobyerno sa pamba-blackmail ng mga water concesionaires na ito at ituloy ang pagbawi sa concession agreement.
Unang ‘namblackmail” umano ang mga ito nang magbanta ang mga ito na magtataas ng singil sa tubig kapag hindi binawi ng Korte Suprema ang P2 billion na multang ipinataw sa mga ito dahil sa paglabag ng mga ito sa environmental law.
2 YRS TANSITION PERIOD SIMULAN NA
Samantala, dahil hanggang 2022 na lamang ang concession agreement matapos bawiin ng MWSS ang 15 yrs, extension ng Maynilad at Manila Water, sinabi ni Zarate na dapat simulan na ang transition period.
Sinabi ng mambabatas na kung seryoso talaga ang gobyerno sa pagbawi sa concession agreement ay dapat simulan na ang paghahanda upang maibalik na sa kontrol ng MWSS ang water service.
Ginawa ni Zarate ang nasabing pahayag dahil unang inamin ng MWSS na hindi nila kayang patakbuhin ang water service na wala ang Manila Water at Maynilad dahil kung ang mga ito ng tauhan.
“Kung gusto marami paraan pero kung ayaw marami silang dahilan, ika nga nila,” ani Zarate kaya ngayon pa lamang aniya ay dapat kumuha ng mga tao ang MWSS.
132