BANTA SA IMPEACHMENT; DU30 ‘DEADMA’ SA KONSTITUSYON

eez21

(NI BERNARD TAGUINOD)

TULUYAN nang nailantad na wala talagang  respeto si Pangulong Rodrigo Duterte sa Konstitusyon para sa interes ng China matapos magbanta na ipakukulong sa mga miyembro ng Kongreso kapag in-impeach siya dahil sa usapin sa West Philippine Sea.

Ito ang pahayag ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano kaugnay ng banta ni Duterte lalo na’t alam umano nito na “culpable violation of the Constitution” ang pagpayag nito na mangisda ang mga Chinese sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

“His threats against possible moves of impeaching him undermine the independence of Congress and its members.
With all his actions and inaction, there should be no doubt by this time that the President has no respect for the Constitution which he swore to defend,” ani Alejano.

Si Alejano ay unang nagsampa ng impeachment case laban kay Duterte sa Kamara noong nakaraang Kongreso subalit ibinasura lamang ito ng liderato ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

Ayon naman kay Akbayan party-list Rep. Tom Villarin, ang bantang ito ni Duterte ay isang uri ng depensa ni Duterte dahil nabubuko na aniya ito sa ‘pagbebenta” sa Pilipinas sa China.

Gayunpaman, naniniwala ang mambabatas na maraming Filipino ang hindi matitinag sa ganitong uri ng banta dahil nararapat lamang umano na ipaglaban ang bansa at interes ng sambayanang Filipino.

 

96

Related posts

Leave a Comment