(NI BERNARD TAGUINOD)
ETSAPUWERA o hindi kasama sa term extension ang mga barangay officials kapag nagtagumpay ang Kongreso na amyendahan ang 1987 Constitution sa pamamagitan ng lehislatura.
Sa inaprubahan ng Resolution of Both Houses sa House committee on constutional amendments sa isang Executive session kamakalawa ng gabi, tanging ang mga local official o ang mga municipal at City Mayors, vice mayors, city councils, governors, vice governors at provincial board members ang papalawigin ang termino sa ilalim ng nasabing panukala.
“The term of office of elective local officials, (except barangay officials, which shall be determined by law) shall be (three) FIVE years and no such official shall serve for more than three consecutive terms,” bahagi ng inaprubahang resolusyon.
Kasama rin sa magkakaroon ng 5 year term at 3 consecutive terms na tulad ng mga local officials ay ang mga kongresista habang ang mga senador ay magiging 5 na taon na lamang subalit maaari silang tumakbo ng hanggang 3 beses.
Sa ngayon ay 3 taon lamang ang termino lamang ang mga local officials at mga kongresista at puwede silang tumakbo ng hanggang 3 termino habang ang mga senado ay 6 na taon sa puwesto subalit 2 beses na magkasunod lang sila puwedeng kumandidato.
Tulad ng mga local officials, tatlong taon din naninilbihan ang mga barangay officials at hanggang tatlong sunod na termino sila maaaring tumakbo.
Gayunpaman, hindi kasama ang mga ito sa makikinabang sa term extension na itinutulak ng Kongreso na ayon sa mga militanteng mambabatas ay posibleng taktika ng Kongreso upang makuha ang suporta ng mga mayors at governors sa Cha Cha.
240