Batas ikinasa sa Senado LIBRENG COVID TEST SA JOBSEEKERS

0

NAGHAIN si Senador Sonny Angara ng panukalang batas na magbibigay ng libreng COVID-19 test sa lahat ng naghahanap ng trabaho bilang pagpapasigla sa ekonomiya.

Sa pahayag, sinabi ni Angara na maraming problemang kinahaharap ang walang trabaho kaya nahihirapan silang makatugon sa pangangailangan ng bagong empleyo kabilang dito ang negatibong resulta ng COVID test sa credentials na kanilang isusumite.

“For jobless breadwinners, it is choosing between two sacks of rice or a RT-PCR swab,” ayon kay Angara na tumutukoy sa P3,500-P5,000 halaga ng COVID test.

“It is a big start-up cost for people who are at the end of their ropes,” giit pa ni Angara.

Sinabi ni Angara na katumbas ng kalahating buwang sahod ng ordinaryong manggagawa ang presyo ng RT-PCR kabilang ang halaga ng pagpunta sa testing site.

Aniya, kahit tinatanggap na ang aplikasyon sa online, sangkot pa rin sa proseso ng pangangalap ang face-ta-face interviews o aktuwal na demonstrasyon ng trade skills na kailangan mayroon kang negatibong resulta ng COVID tes bilang gate pass.

“Kung luluwas ka sa isang lungsod, minsan kailangan yang negative result as gate pass. Kahit na sabihin na online ang application, kadalasan may face-to-face interview na kasunod, o kaya actual demonstration ng skills,” aniya.

Sinabi pa ni Angara na nakita na niya ang data sa COVID test wall kaya bantulot ang karamihan na maghanap ng trabaho.

Kahit na hindi pinapayagan ng gobyerno na dapat mayroon kang COVID-19 testing bilang pangangailangan sa job application, nagrereklamo ang marami na may ilang employer ang naghahanap nito sa pre-employment.

Dahil dito, napilitan si Angara na maghain ng isang panukala upang gawing libre ang COVID-19 testing sa lahat ng jobseekers, na tinawag niyang “pangangailangan sa employment stimulus.”

Sa ilalim ng panukala, aakuin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang halaga ng testing.

Dapat tiyakin ng DOH katulong ang Department of Interior and Local Government, Department of Labor and Employment at Department of Trade and Industry na maibibigay ang COVID testing nang libre na mamanatili hanggang may pandemic national emergency. (ESTONG REYES)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment