BATAYAN PATUNGONG GCQ SA METRO, PINAG-AARALAN NA

MAKATUTULONG ang COVID-19 transmission rate at ang kapasidad ng healthcare system sa gagawing pagdedesisyon ng pamahalaan para paluwagin ang mga restrictions sa ilang lugar sa Metro Manila matapos ang May 15.

Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay matapos na sabihin ni Interior Secretary Eduardo Año na may ilang lugar sa Metro Manila ang maaari nang i-shift mula enhanced community quarantine patungong general community quarantine dahil sa patuloy na pagbaba ng bagong kaso ng COVID-19.

Mayorya ng COVID-19 cases ay naitala sa National Capital Region.

“Kung hindi po magbabago ang datos na nagpapakita ngayon na bumabagal na iyong pagkalat at mayroon pa tayong kapasidad na magbigay ng critical care ay siguro po iyan ang direksiyon,” ayon kay Sec. Roque.

Makikita naman aniya na bagama’t marami pa ring mga bagong COVID cases, ang pagtaas naman ay hindi masyado.

“At makikita na rin natin na iyong mga nagre-recover ay pataas na po ang numero, ang mga namamatay ay parang pareho lang po on a daily basis,” anito.

Muli namang nanawagan si Sec. Roque sa taumbayan na manatili sa kanilang bahay. CHRISTIAN DALE

159

Related posts

Leave a Comment