BATO, BANTAY SARADO NA KAY SOTTO

MISTULANG bantay-sarado na kay Senate President Tito Sotto si Senador Bato dela Rosa matapos na rin itong mag-viral sa social media dahil sa kanyang ‘Sarap ng Buhay’ na komento sa kanilang hybrid session.

Sa sesyon nitong Lunes, hindi nakaligtas kay Sotto si Bato nang mapansin na wala pa ito sa session hall kahit nagsasagawa na ng roll call.

Dahil dito, inatasan ni Sotto ang Sgt at Arms na palabasin na sa kanyang tanggapan sa Senado si Bato at dalhin sa plenary hall.

“I order you to get Senator dela Rosa in his room and bring him down here,” saad ni Sotto matapos ang deklarasyon ng quorum sa sesyon.

Bago naman ang magkasunod na sponsorship ni dela Rosa sa kanyang mga committee report, sunud-sunod din na panunukso ang natikman nito mula kay Sotto at maging kay Senate Majority Leader Migz Zubiri.

“Let us take the opportunity of the presence of former general and now Senator dela Rosa,” saad ni Sotto.

“Sabi nga nya masarap ang buhay sa public service,” sagot naman ni Zubiri na tinugunan ni Sotto ng “Pahirapan mo siya ngayon.”

Sa ikalawang sponsorhip ni dela Rosa sinabihan ito ni Sotto nang “You work double time today” na sinagot nito ng “Quota na ako, Mr. President.” DANG SAMSON-GARCIA

161

Related posts

Leave a Comment