BAYAD SA SMARTMATIC NAKABITIN PA RIN

HINDI pa babayaran ng Commission on Elections (Comelec) ang Smartmatic habang sinisiyasat ang mga aberyang dulot ng kanilang sablay na Vote Counting Machines (VCM).

Matatandaang nagdulot ng mahabang pila at kalbaryo sa mga botante nitong nakaraang halalan ng Mayo 9 ang mga palyadong VCM.

Ayon kay John Rex Laudiangco, acting spokesperson ng Comelec, gumugulong na ang imbestigasyon ukol sa mga alegasyon sa VCMs at nanawagan ito na hayaan muna ng publiko na matapos ang proseso.

Hindi rin masabi ni Laudiangco kung mailalagay sa ‘blacklist’ ng Comelec ang Smartmatic dahil kailangang hintayin pa rin ang resulta ng imbestigasyon at ipag-utos ng Commission en banc.

Sa ilalim ng Government Procurement Act, may mga panuntunan kung paano madidiskuwalipika ang isang contractor at ito ang dapat sundin.

“Masyado pang maaga because investigations are ongoing and may assessment under the Government Procurement Act,” ayon kay Laudiangco.

Nauna nang inihayag ni Comelec Commissioner George Garcia na hindi na nila gagamitin ang mga VCM ng Smartmatic sa halalan sa 2025. (RENE CRISOSTOMO)

145

Related posts

Leave a Comment