LALONG lumaki ang kalamangan ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard bearer Ferdinand Marcos, Jr. (BBM) laban sa kanyang mga katunggan sa pagka presidente ngayong May 2022 polls base sa pinakabagong survey ng Issues and Advocacy Center.
Sa kopya ng survey na ipinadala ni Director Ed Malay ng Issues and Advocacy Center sa SAKSI NGAYON kahapon, nakapagtala si BBM ng 55% sa buong bansa (RP), 59% sa National Capital Region (NCR), 48% sa Luzon at 53% sa Visayas. Malayo pa rin sa kanya si Leni Robredo na nakakuha lang ng 18.5% sa buong bansa (RP), 16% (NCR), 25% sa Luzon at 19% sa Visayas; Isko Moreno 11.75% sa buong bansa (RP), 15% sa NCR, 10% sa Luzon at 12% sa Visayas; Manny Pacquiao 6.5% sa buong bansa (RP), 4% sa NCR, 5% sa Luzon at 8% sa Visayas; Ping Lacson 5% sa buong bansa (RP), 4% sa NCR, 8% sa Luzon at 5% sa Visayas; Leody de Guzman 1% sa buong bansa (RP), .5% sa NCR, 2% sa Luzon at 1% sa Visayas; Ernesto Abella .375% sa buong bansa (RP), 0 sa NCR, 0 sa Visayas; Faisal Mangondato .375% sa buong bansa (RP), .5% sa NCR, 0 sa Luzon at 0 sa Visayas; Norberto Gonzales .125% sa buong bansa (RP), 0 sa NCR, ,5 sa Luzon, at o sa Visayas; Jose Montemayor .125% sa buong bansa (RP), 0 sa NCR, 0 sa Luzon at .5 sa Visayas. Ang mga undecided ay 1.25% sa buong bansa (RP), 1% sa NCR, 1.5% sa Luzon at 1% sa Visayas.
Ayon kay Malay, sakop ng resulta mula Abril 4 hanggang 15, 2022 at non-commissioned nationwide ang survey.
Kabilang sa mga tinanong ay nasa 2,440 mula NCR, Luzon, Visayas at Mindanao na sakop ang edad 18-65 anyos.
Sa Pulso ng Pilipino, lumalabas na nakorner ni Marcos ang lahat ng major geographic areas at socio-economic classes 48% sa Luzon, 53% sa Visayas at 60% sa Mindanao para sa isang national average.
Nauna nang sinabi ni Malay kamakailan na sa laki ng lamang sa survey ni Marcos laban kay Robredo ay mahihirapan nang makahabol ang huli.
Maging ang ilang political analysts ay nagpahayag na rin kamakailan na malabo nang makahabol si Robredo kay BBM dahil napanatili nito ang malaking kalamangan. (JOEL O. AMONGO)
244