BBM BIBIYAHE NA NAMAN

SIGURADO na ang pagdalo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2023 ASEAN-Gulf Cooperation Council Summit sa Saudi Arabia ngayong linggo.

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tutungo sa Riyadh si Pangulong Marcos, mula Oktubre 19 hanggang 20.

Tinuran ni Assistant Secretary Daniel Espiritu ng Department of Foreign Affairs-Office of the Asean Affairs, pangunahing pag-uusapan sa naturang pagpupulong ang pagpapaigting ng ugnayan ng mga bansang kasapi sa Asean at Gulf countries, pag-uusapan din ang energy at food security.

Itinuturing na ang Saudi Arabia ang isa sa mga pinagkukunan ng Pilipinas ng produktong petrolyo.

Ani Espiritu, mayroon din itinakdang bilateral meeting si Pangulong Marcos sa mga lider ng Saudi Arabia at Bahrain.

Pag-uusapan ng mga ito ang ika-54 anibersaryo ng diplomatic ties ng dalawang bansa habang ang ika-45 na bilateral relations naman sa lider ng Bahrain.

Binanggit din ni Espiritu na makikipagpulong ang Pangulo sa Filipino community na susundan ng pulong sa mga business leader sa Riyadh para pag-usapan ang Maharlika Investment Fund.

Samantala, hindi naman babalik ng Pilipinas ang Pangulo na hindi nasisiguro ang kaligtasan ng may 700,000 overseas Filipino workers sa nasabing bansa na tinatayang nasa 2.2 milyon.

Posible rin, ani Espiritu na mabanggit ni Pangulong Marcos ang kaso ng 32-anyos na Pinay OFW na pinatay sa Saudi Arabia.

(CHRISTIAN DALE)

231

Related posts

Leave a Comment