BBM PUMIYOK: MAHARLIKA FUND POSIBLENG BUMAGSAK

SIGURADO si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na mabibigo at tuluyang lalagapak ang Maharlika Investment Fund (MIF) kapag hinayaan at pinayagan ang mga politiko na mangasiwa nito.

Marapat lamang, ayon sa Pangulo na patakbuhin ang MIF ng professional managers sa halip ng pamahalaan para alisin ang political decisions na maaaring mauwi sa pagkabigo.

Sa pagsasalita sa 2023 Asia Summit sa Singapore, sinabi ni Pangulong Marcos na ang pondo sa MIF “is not run by the government; it is run by professional fund managers.”

“That was always the concept behind it… because once the politicians get involved, then the decisions are no longer purely financial in nature.

That causes failure, I think, and that does not make an efficient management of the fund,” ayon pa rin sa Pangulo sa kanyang open dialogue kasama si dating Australian trade minister Steven Ciobo.

“The P500-billion fund will draw most of its seed capital from the national government, including the central bank, gaming revenue and two state-owned banks,” ayon sa Pangulo.

“It will be allowed to make a wide range of investments, including in corporate bonds, equities, joint ventures and infrastructure projects. Private financial institutions and corporations will also be allowed to invest,” ani Pangulong Marcos.

Winika ng Pangulo na makatutulong ang pondo para sa pagpapabago sa agriculture at energy sectors at pagaanin ang pagnenegosyo sa bansa.

Makatutulong din ito para makalihis ang Pilipinas mula sa loans o mga pautang, “which the government has “started worrying” about, ” ayon kay Pangulong Marcos.

(CHRISTIAN DALE)

48

Related posts

Leave a Comment