BBM-SARA UNITEAM SUPORTADO NG PINAKAMALAKING SHIPPING GROUP

YAKAP ang pagkakaisa na dala ng BBM-Sara UniTeam, nagpahayag ng buong suporta ang Philippine Coastwise Shipping Association, Inc. (PCSA), ang pinakamalaking shipping association sa bansa, sa tambalan nila presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., at running mate na si Inday Sara Duterte.

Ang naturang asosasyon ay kinabibilangan ng mga Filipino shipowners at operators na nag-ooperate ng mahigit 700 barko at nagseserbisyo sa libo-libong pasahero at mga kargamento sa buong bansa.

Ayon sa isang pahinang manifesto of support na nilagdaan ni Edgardo Nicolas, administrator ng PCSA at iba pang opisyal at miyembro ng grupo, nananawagan sila sa mas maayos, ligtas, at epektibong shipping industry para sa tuluyang pag-unlad ng industriya at ng bansa.

Naniniwala naman ang grupo na ang pagkapanalo ng BBM-Sara UniTeam ay magsisiguro sa pagtatalaga ng mga matitino at marurunong na mga tao sa maritime industry, port management at iba pang ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa kanilang industriya.

“We believe that this is not the time to look back, but to look forward to a brighter maritime future for our country. We are full of hope for the future because of the goodwill, concern, and commitment of Marcos-Duterte tandem to ensure critical reforms in an industry that has yet to achieve its full potential,” ayon sa manifesto.

“Our pledge of support is backed by genuine hope that we will take a step forward toward a society of “meritocracy, fairness and economic security” which the BBM-Sara tandem has promised,” dagdag pa nito.

Sakop ng grupo ang lahat ng ruta ng mga barko sa bansa at pangunahing nagbibiyahe ng mga basic goods at iba pang pangangailangan sa iba’t ibang lugar at sila rin ang nangungunang operator ng roll-on/roll-off ships sa ilalim ng Strong Republic Nautical Highway program.

“It is our understanding that they both have the qualifications and abilities to lead the country with their advocacy,” ayon sa PCSA.

177

Related posts

Leave a Comment