ANG magkaroon ng “malinis, patas, at maayos na halalan sa Mayo 9” ang hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagdiwang ng kanyang ika-pitumpu’t pitong kaarawan kahapon.
Sabi ni acting Presidential Spokesperson Martin Andanar, simple at tahimik na selebrasyon ang inihanda para sa kaarawan ng Pangulo sa Davao City.
Ayon pa kay Andanar, nais ng pangulo na magkaroon ng maayos na pagpapalit ng administrasyon bilang bahagi ng kanyang iiwang legasiya.
Samantala, bukod sa maayos na kalusugan, tahimik at kapayapaan sa pribadong buhay ang dalangin ng mga lider ng mababang kapulungan ng Kongreso kay Pangulong Duterte.
Sa kanilang mensahe sa huling kaarawan ni Duterte bilang Pangulo ng bansa, nagpasalamat sina House majority leader Martin Romualdez at Speaker Lord Allan Velasco na naging bahagi sila ng administrasyon nito.
“We also pray to the Lord Almighty that He grants President Duterte more years of good health, peace and joy both in his public and private life,” mensahe ni Romualdez.
Si Duterte ay inaasahang babalik na sa pribadong buhay pagkatapos ng kanyang termino sa Hunyo 30, 2022 o mahigit dalawang buwan na lamang mula ngayon.
Hindi lingid sa marami na naghahanda ang mga kritiko ng Pangulo na kasuhan ito sa sandaling mawala na ang kanyang immunity sa kaso dahil sa iba’t ibang isyu partikular na ang madugong war on drug.
Sa kabila nito, pinasalamatan ni Romualdez si Duterte sa sakripisyo para pagsilbihan ang sambayanang Pilipino sa loob ng anim na taon.
“We also wish to express the appreciation of a grateful nation for all the personal sacrifices that the President has made to serve his fellow countrymen. Rest assured, Mr. President, that your services to the country will be remembered in generations to come,” ayon pa kay Romualdez.
Ganito rin ang mensahe ni Velasco kasabay ng pasasalamat sa Pangulo dahil isa aniya ito sa mga nakinabang sa administrasyong Duterte.
“On behalf of the House of Representatives and the Filipino people, thank you for all you have done for our country. May your legacy of meaningful change and comprehensive development live on in the hearts and minds of the next generations to come,” Ani Velasco. (CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD)
94