BENTAHAN NG PWD ID SA HALAGANG P3-K, NABUKING

(NI ABBY MENDOZA)

IBINUNYAG  ni ACT CIS Rep. Eric Go Yap ang modus na pagbebenta ng Persons With Disabilities (PWD) ID sa bansa upang makakuha ng awtomatikong 20% discount at 12% VAT free

Ayon kay Yap nasaksihan nya mismo ang paggamit ng PWD ID ng isang mayamang pamilya sa isang restaurant, bunga nito, ay nagsimula syang mag imbestiga kung saan isang  tauhan nito na walang kapansanan ang pinakuha nya ng PWD ID, kasunud nito ay 15 pang indibidwal ang kanyang pinakuha mula sa Maynila at Quezon City na gaya ng una ay nakakuha din kapalit ng P3,000 na bayad, nang makuha ang card ay malaya nila itong nagamit d bilang diskuwento sa mga establishimento.

Kasunod ng nadiskubre ni Yap na pang aabuso sa PWD ID na ginagamit pa ng mga mayayamag indibidwal na wala namang kapansanan ay naghain ito ng resolusyon sa Kamara na humihiling na imbestigahan ang modus at iregularidad sa PWD IDs.

“There have been reports on individuals who fake their disability to get a PWD ID in order to enjoy PWD discounts and privileges and on fixers giving the guarantee of the issuance of PWD IDs to those interested.These cases of abuse challenge the essence of the law which aims deserve to ensure that only those with legitimate disability are granted with benefits they truly,” pahayag ni Yap.

Sa ilalim ng Republic Act 10754, ang mga naisyuhan ng PWD ID cards ay maaring makakuha ngl 20 percent discount at Value Added Tax (VAT) exemption bukod pa sa 5 percent on basic necessities at prime commodities na diskuwento.

Umapela si Yap sa mga alkalde na silipin ang pagbibigay ng PWD ID dahil malaki ang nawawala sa kanila.

“yung discount sa mga establishimento na nakuha sa paggamit ng PWD ID ay binabawas din sa tax kaya ang nangyayari, milyong piso ang nawawalang kita sa ating mga Local Government Unuts(LGUs)”pahayag ni Yap.

“While I believe that mayors are not involved in this modus I am urging them to review the implementation of this PWD law,” dagdga pa ni Yap.

“Huwag sana nating abusuhin, kung gumagamit ng pekeng ID ay itigil na. Dapat tayong magpasalamat na wala tayong totoong kapansanan, ibigay na natin ito sa tunay na nangangailangan”dagdag pa nito.

Hinimok nito ang mga establisimyento na kung duda sila na peke ang PWD ID card ay humingi sila ng katunayan gaya ng pagpiprisinta ng mga medical records, sa ganitong paraan umano ay mapapahiya ang mga fake users at hinimok din nito ang LGUs na gumawa ng mga PWD ID na hindi maaaaring mapeke.

 

 

342

Related posts

Leave a Comment