BERDUGO VS NAGMAMALTRATO SA SENIORS LAGOT KAY POE

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

ISINUSULONG ni Senador Grace Poe ang panukala na magbibigay proteksyon sa senior citizen laban sa anumag pag-abuso at pagpapabaya.

Sa kanyang Senate Bill No. 946 o ang panukalang “Elder Victim Assistance Act”, iginiit ni Poe na dapat nang isabatas ang assistance program sa mga biktima ng elder abuse at training sa health at government professionals na mangagalaga sa mga ito.

“Maswerte tayo kung kasama natin ang mga senior citizen sa ating bahay. Pero paano na ‘yung mga nag-iisa, ‘yung mga nakikitira o kaya naman ay walang kamag-anak. Walang araw na lumilipas na hindi sila nakakaranas ng pagwawalang-bahala o kaya abuso,” saad ni Poe.

“Gamitin natin ang pagkakataong ito para ipaglaban ang kanilang karapatan at siguruhin na maayos ang kanilang buhay sa pagtanda, dahil lahat tayo ay tatanda rin,” dagdag ng senador.

Nakasaad sa panukala ang pagtatag ng inter-agency task force upang ipatupad ang Elder Victim Assistance Program.

Mandato nito na magpatupad ng immediate, short-term emergency services, kabilang ang pagbibigay ng matutuluyan, care services, pagkain, pananamit, transportasyon patungo sa medical o legal appointment at anumang life services na kailangan ng biktima ng pag-abuso.

Saklaw din nito ang Counselling at tulong sa mga ito para sa pag-aaccess sa healthcare, educational, pension o iba pang benepisyo.

Tungkulin din ng task force ang pagbibigay ng mental health screenings upang amtukoy ang posibleng mental health disorders tulad ng depression o substance abuse.

Dapat din itong magbigay ng emergency legal advocacy  gayundin ang Job placement assistance at impormasyon sa employment, training, o volunteer opportunities.

Magbibigay din ang task force ng bereavement counseling at edukasyo para makaiwas sa pag-abuso.

Ang task force ay pamumunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang pondo nito ay magmumula sa annual appropriations ng ahensya.

Sinabi ni Poe na bagama’t nananatili ang tradisyon ng mga Pinoy na pangalagaan ang matatanda, nagkakaroon naman ng pagkakataon na napapabayaan ang mga ito dahil sa hirap ng ekonomiya,

“As elders become frailer, they are less able to stand up to bullying or to fight back if attacked. They may not see or hear as well or think as clearly as they used to, leaving openings for unscrupulous people to take advantage of them,” saad ni Poe sa panukala.

153

Related posts

Leave a Comment