BERTIZ III BAGONG DEPUTY DIRECTOR GENERAL NG TESDA

KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagkakatalaga kay Aniceto dela Rosa Bertiz III bilang Deputy Director-General ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Si Bertiz ay naging kinatawan ng ACTS OFW Partylist, na nakapagpabalik sa libong overseas Filipino workers sa bansa.

Si Bertiz ay may malaking katungkulan o atas na dapat matupad at ito’y bigyan ang mga magbabalik na Filipino ng ‘quality-assured and inclusive technical education’ at skills development, na nakita ng TESDA.

Umaasa naman si Presidential spokesperson Harry Roque na susuportahan ng lahat si DDG Bertiz sa pagsisimula niya sa kanyang bagong assignment sa pambihirang panahon ngayon. CHRISTIAN DALE

91

Related posts

Leave a Comment