BGY, SK ELECTIONS SA 2020 PINAGHAHANDAAN NA

comelec500

(NI HARVEY PEREZ)

HINDI pa man tuluyang napapawi sa imahinasyon ng sambayanang Filipino ang katatapos na May 13 midterm elections, pinaghahandaan na ng Commission on Elections(Comelec),

Ang barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Mayo 2020.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, pinagpa planuhan na ng Comelec ang pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa 2020,alinsunod sa ilalim ng Republic Act 10952.
“This means that (after the midterm elections), our jobs continue,” ayon kay Jimenez.

Nabatid na ipinostpone ng Kongreso ang Oktubre 23, 2017 barangay and SK elections sa ikalawang Lunes ng Mayo, 2018.

Sanhi nito kapag natuloy ang nabanggit na halalan sa ikalawang linggo ng Mayo,2020 magiging dalawang taon lamang ang termino ng mga nanalong Barangay at SK officials.

Kung matuloy ang halalan balik na muli sa tatlong taon ang termino.
Habang naghahanda ang Comelec ng panibagong eleksiyon, dalawang commissioner ng Comelec ang nakatakdang magretiro sa Pebrero 2020 .Ito ay sina commissioners, Luie Tito Guia at Al Parreno.

Gayundin,sinabi ni Jimenez na hindi pa nadetermina ng Comelec kung bubuo pa o hindi na ng body na mag-iimbestiga sa mga naganap na ” technical glitches ”  na nangyari sa natapos na halalan .
“We will be discussing that in post evaluation. We’ll find out, I guess, at the first instance…if there will be a third party investigation, I don’t know yet,” dagdag ni Jimenez.

158

Related posts

Leave a Comment