BI NAKAALERTO NA VS DRUG QUEEN

(NI HARVEY PEREZ)

INILAGAY na ng Department of Justice (DOJ)  sa Immigration Look-out Bullettin Order (ILBO),ang tinaguriang ‘drug queen’ na si Guia Gomez Castro, barangay captain sa Sampaloc, Maynila.

Sa ipinalabas na memorandum ni Justice Secretary Menardo Guevarra,inatasan nito si Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente  na i monitor ang travel itineraries ni Gomez sa lahat ng daungan sa  bansa.

Nalaman  na si Gomez ay lumabas sa bansa noong Setyembre 21 papuntang Bangkok,Thailand.

Kasabay nito,sinabi ni Guevarra na maaari nang arestuhin si Gomez dahil ito ay mayroon standing warrants sa kasong may kinalaman sa operasyon ng iligal na droga at paglabag sa BP 22 o bouncing checks.

Una nang nanawagan si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa mga kaanak ni Castro na isuko na ito para makapag bigay ng paliwanag sa alegasyon laban sa kanya kaugnay sa pagre-recycle ng iligal na droga kasama ang tinaguriang ninja cops.

Nabatid na si Castro ay pinoprotektahan umano ng ninja cops kaya hindi ito maaresto.

172

Related posts

Leave a Comment