(NI FROILAN MORALLOS)
INALERTO ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang mga tauhan sa lahat ng terminal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang lugar sa bansa bilang antisipasyon sa pagdagsa ng mga pasahero sa mga paliparan na uuwi sa kani-kanilang mga probensiya sa Undas .
Ito, ayon kay Commisssioner Jaime Morente, ay upang mabantayan ang kilos ng mga masasamang element na nago-operate sa mga paliparan, at isabay ang kanilang mga biktima sa karamihan ng pasahero na aalis palabas ng bansa.
Partikular na ang maaring gagawin ng international human smuggling syndicates na gamitin ang Manila bilang transit point.
Kasabay din na inalerto ni Morente ang mga immigration officer na naka-assign sa NAIA para maging aktibo at hindi malusutan ng mga miyembro ng sindikato na maaring magsamantala sa panahon na ito.
Ayon kay Morente, ipatupad ang tamang proseso , at higpitan ang mga out going, at mga incoming na mga pasahero lalo na sa mga departure area ng airport , dagdag pa ni Morente.
Kaagapay ng mga immigration officers sa pagbabantay ay ang mga peronnel ng border control ang intelligence unit (BCIU) sapagkat dito nakasalalay ang gagawin intelligence at counter intelligence duties at pag-aresto ng mga pugante at mga kriminal.
Inaasahan ng Bureau of immigration (BI) ang malaking volume ng pasahero na darating at palabas ng bansa bago dumating ang all Saints Day at All Souls Day.
Nabatid noong nakalipas na dalawang taon 2017 at 2018 ay tumaas ang volume ng mga pasahero sa 6.3% , at anila sa ngayon inaasahan na maaring umabot pa ito sa 10% ang mga pasahero na magbabakasyon sa labas ng bansa , upang samantalahin ang mahabang bakasyon.
151