(NI NOEL ABUEL)
ISINISISI ni Senador Joel Villanueva sa Bureau of Immigration (BI) ang pagdagsa ng mga dayuhang manggagawa sa bansa dahil sa patuloy na pag-iisyu nito ng special work permits sa mga foreign workers.
Ayon sa senador, walang kakayahan ng BI na madetermina kung anong trabaho ang kaya ng mga Filipino at mga foreign workers.
“This is the problem right now, why BI issue such work permits? Only DoLE has the capacity to determine if a job can’t be done by a Filipino,” sabi pa ni Villanueva, chair ng Senate labor committee.
Aniya, tanging ang Department of Labor and Employment (DoLE) ang may kapasidad para mag-isyu ng SWPs at hindi ang BI.
“Under Article 40 of the Labor Code, only DoLE can issue an employment permit to non-resident aliens if no competent, able, and willing Filipino could fill in the job,” ayon pa sa senador.
Base aniya sa hawak nitong datos, aabot sa mahigit sa 185,000 ang inisyu ng BI sa mga dayuhang manggagawa mula Enero hanggang Nobyembre ng nakaraang taon.
Habang ang DoLE ay nasa 170, 000 ang inilabas na special working permits sa loob ng tatlong taon mula 2015 hanggang 2018.
Dagdag pa ni Villanueva nagtataka ito kung bakit hanggang ngayon ay patuloy pa ring nag-iisyu ng SWPs sa mga foreign workers na posibleng pagmulan ng kurapsyon.
118