BICOL PINALUBOG NG BAGYONG KRISTINE

LUMUBOG sa baha ang malaking bahagi ng Kabikulan dala ng walang patid na ulan mula sa Bagyong Kristine.

Patuloy rin ang pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa hindi pa man nagkakaroon ng landfall.

Kaugnay nito, tinatayang may 20 road sections sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang hindi madaanan.

Iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ang pinagsasama-samang ulat ng DPWH Bureau of Maintenance (BOM) “as of 6 a.m.” kahapon kabilang sa pigura ang 15 road sections sa Bicol, 4 sa Eastern Visayas at isa sa Calabarzon.

Ang pagsasara sa mga lansangan ay dahil sa pagguho ng detour roads, pagbaha, landslides, pagbagsak ng mga puno at rockslides.

Ang matinding pag-ulan at malakas na hanging dulot ng TS Kristine ang nagsilbing hadlang sa nagpapatuloy na clearing operations sa kahabaan ng Sibuyan Circumferential Road sa Romblon Province kung saan gumuho ang lupa at bumagsak ang mga puno dahilan para hindi madaanan ang mga seksyon ng K0005+250-K0005+300 sa Barangay Cambijang, Cajidiocan at K0057+650-K0057+660 sa Barangay Poblacion, Magdiwang.

Sa kabilang dako, ang DPWH Quick Response Assets mula sa apektadong Regional and District Engineering Offices ay naka-prepositioned para sa clearing operation.

Patuloy namang minomonitor ng Disaster Incident Management Teams ang kondisyon sa iba pang kahabaan ng national roads at tulay.

Nagsimula na ring magpadala ng tulong ang Field Office (FO) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Bicol Region para sa mga indibidwal at pamilya na apektado ng bagyo.

“Following the issuance of a forced evacuation order in the province of Albay, members of the DSWD’s Municipal Action Team in Region 5 were immediately deployed to assist in setting up modular tents and profiling of displaced families in evacuation centers located in the municipality of Jovellar,” ang sinabi ni DSWD Disaster Response Management Group (DRMG) Assistant Secretary Irene Dumlao.

Bukod sa pagtulong sa evacuation centers, present din ang DSWD personnel sa pamamahagi ng hot meals sa mga stranded individuals sa iba’t ibang daungan sa Bicol Region.

Sa Tabaco Port, Albay, may 645 na stranded passengers ang nakatanggap ng hot breakfast meals na nagkakahalaga ng mahigit sa P63,000, sa pamamagitan ng tulong ng provincial government ng Catanduanes.

Samantala, mahigit naman sa 700 stranded individuals sa Matnog Port in Sorsogon province ang nabigyan ng breakfast packs na nagkakahalaga ng P30,000, sa pamamagitan ng tulong ng Local Government Unit ng Matnog. (CHRISTIAN DALE)

48

Related posts

Leave a Comment