BIDEN, AUSTRALIAN PM TINIYAK SUPORTA SA PINAS

KAPWA nagpahayag ng suporta sa Pilipinas ang Amerika at Australia kaugnay ng sigalot sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

“THE visit of the Reagan is a symbol of the partnership and the alliance that we have with the Philippines,” ayon kay US Embassy in the Philippines Spokesperson Kanishka Gangopadhyay.

Ayon sa US Embassy in Manila, prominenteng nabanggit sa pagpupulong nina US President Joe Biden at Australian Prime Minister Anthony Albanese ang Pilipinas, maging sa kanilang inilabas na joint statement matapos ang kanilang pagpupulong.

“We strongly oppose destabilizing actions in the South China Sea, such as unsafe encounters at sea and in the air, the militarization of disputed features, the dangerous use of coast guard vessels and maritime militia, including to interfere with routine Philippines maritime operations around Second Thomas Shoal, and efforts to disrupt other countries’ offshore resource exploitation,” ayon sa pahayag ng US.

Nababahala ang US maging ang Australia, sa aksyon ng China na posible umanong maging mitsa ng kaguluhan sa Indo-Pacific.

Nabatid na bago tuluyang umatraka sa Manila Bay ang US forward-deployed aircraft carrier USS Ronald Reagan kaugnay sa nakatakdang official port visit, nagsagawa muna ito ng flight operations sa bahagi ng South China Sea na sinasabing hindi nagustuhan ng China.

Inakusahan ng China ang US na isang trouble maker at nagpaparating ng maling signal sa Pilipinas para lumakas ang loob nitong labagin ang soberenya ng China.

Agad namang nilinaw ni Gangopadhyay na matagal nang nakaplano ang pagbisita ng USS Ronald Reagan sa bansa bago pa ang naganap na double collision sa West Philippine sea na kinasangkutan ng Chinese Coast guard, at Chinese maritime militia vessel.

Naniniwala naman si Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro na hindi tayo sasalakayin ng China at pwersahang aangkinin ang pinag-aagawang mga teritoryo na nasa loob ng Pilipinas.

“Sa palagay ko, magdadalawang isip din naman sila. Number One, alam ng mundo ang ginagawa nila, at karamihan sa mundo ay tutol sa ginagawa nila, at kung meron man silang sentido kumon, para makumbinsi ang buong mundo na mapayapa ang kanilang hangarin, ay hindi nila gagawin ‘yan,” aniya.

(JESSE KABEL RUIZ)

149

Related posts

Leave a Comment