BIG THAI COMPANY NANGAKO NG DAGDAG NEGOSYO SA PILIPINAS

(CHRISTIAN DALE)

NANGAKO ang Thai conglomerate CP Group na magdaragdag ng investments sa Pilipinas pagdating sa aquaculture, bigas, at swine production, kasunod ng pakikipagpulong kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bangkok, Thailand.

Sa nasabing dinner meeting, nagpahayag ng interes ang CP Group officials na magkaroon ng kolaborasyon sa Pilipinas sa “baboy, bigas, mais at aquaculture,” at maging sa development ng value chain ng mga nasabing industriya upang maiugnay ang mga ito sa local consumers.

Ang CP Group ang itinuturing na ‘largest private company’ ng Thailand na mayroong $2 billion investment sa Pilipinas.

Ang “largest at most significant Thai investment” sa Philippine Agriculture ay Charoen Pokphand Foods Philippines Corporation (CPFPC), isang subsidiary ng Charoen Pokphand Foods Public Company Limited CPFPC (Agriculture) na nagsimula ang operasyon sa Pilipinas noong Mayo 2010 at mayroong inuupahang feeds mill sa Guiguinto, Bulacan.

Noong 2012, ang nasabing kompanya ay nagkaroon ng karagdagang investments sa aquaculture at agro-business sa bansa.

Bukod sa shrimp at fish hatchery farms, nagtayo ang kompanya ng isa sa pinaka modernong aquaculture feed mills sa Bataan.

Nangako naman si Pangulong Marcos na paghuhusayin ang aquaculture industry sa Pilipinas, na aniya’y mahalaga para makamit ang food security, lalo pa’t ang pangingisda ay nagsisilbing importanteng pangkabuhayan para sa mga Pilipino.

Sinabi ito ng Pangulo sa kanyang naging pakikipagpulong kay Aboitiz Group president at CEO at APEC Business Advisory Council (ABAC) PH member

Sabin Aboitiz at mga kasama nito nang dumating siya (Pangulo) sa Thailand nitong Miyerkoles, kung saan humirit siya ng pinaigting na partnerships at manligaw ng investments.

Nauna nang iniulat ng Pangulo na nito lamang nakalipas na Agosto, nakapagtala ang gobyerno ng kabuuang 74 PPP projects sa pipeline, na may pinagsamang estimated cost na P2.25 trillion.

“The public and private sectors must work together to develop more infrastructure and energy projects, among others, as well as more projects for agriculture – all that will empower and strengthen the economy,” giit ng Pangulo.

20

Related posts

Leave a Comment