‘Bigong maihulog sa patibong’ MGA KONGRESISTA NGANGA KAY VP SARA

(BERNARD TAGUINOD)

HINDI napilit sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na gisahin si Vice President Sara Duterte nang tumanggi itong sumailalim sa imbestigasyon sa katwirang hinahanapan lang siya ng butas ng mga kongresista para sa nilulutong impeachment laban sa kanya.

Kahapon ay sinimulan ng House committee on good government and public accountability na pinamumunuan ni Manila Rep. Joel Chua ang motu propio investigation sa P125 million confidential funds na ginastos ni Duterte sa loob ng 11 araw noong 2022, base sa privilege speech ni Manila Rep. Rolando Valeriano.

Dumalo si Duterte sa nasabing imbestigasyon subalit tumangging manumpa o mag-oath na pawang katotohanan lamang ang sasabihin ng mga resource at witnesses na ipinatawag ng komite.

Ikinatwiran ng Bise Presidente na inimbitahan siya bilang witness subalit kalaunan ay itinuring siyang resource person na kinampihan naman ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo dahil magkaiba aniya ang resource at witness kaya hindi ito pinilit ng komite na manumpa.

Matapos ito ay binigyan ng komite si Duterte ng pagkakataon para basahin ang kanyang statement na may bahaging nagsasabing “what we are witnessing now is no ordinary legislative inquiry. This exercise is well funded and coordinated political attack”.

Patunay aniya rito ang privilege speech na pinagbasehan ng imbestigasyon na mistulang sinasabi umano na huwag siyang iboto sa 2028 election at malinaw umano sa kanya na hindi ang maling paggamit sa pondo ang layon ng komite kundi para siraan siya at maging ang kanyang tanggapan para walang political contest sa susunod na presidential election.

“Sa totoo lang hindi naman ang budget ang puntirya ninyo dahil nakapadali naman magtanggal ng budget. What you are trying to do is to make a case for impeachment,” ayon pa kay Duterte.

“So you may try to destroy me. You can skin me alive, burn me, and throw my ashes to the wind. But let it be known: You will find me unbowed. I will continue to serve the Filipino people, no matter the personal cost or political intrigue,” anang bise presidente. “Having said that, I will not allow myself to be subjected to an inquiry based on empty privilege speech just so you can attack me and indirectly do what you failed to do directly during the budget hearings.”

“I, therefore, request this committee to terminate this inquiry for its clear lack of any proposed legislation or substantive matter for discussion,” ayon pa rito.

Matapos ito ay umalis na si Duterte na hinayaan ng mga mambabatas dahil tumanggi itong mag-oath kaya hindi na siya maaaring tanungin ukol sa kanyang confidential funds at mga pondo at proyektong kinukuwestiyon sa DepEd na kanyang pinamunuan mula 2022 hanggang July 2024.

50

Related posts

Leave a Comment