BIKERS DI LIBRE SA TRAFFIC RULES

HINDI libre sa mga batas trapiko ang bikers dahil may katapat na parusa sa mgapasaway lalo na kung masasangkot ang mga ito sa disgrasya at may masasaktan o kaya may mamatay.

Sa virtual hearing ng House committee on transportation, inaprubahan na ang panukalang batas na maglagay ng bike lanes sa lahat ng lansangan dahil ito na ang mauusong transportasyon sa gitna ng COVID-19 pandemic kung saan limitado na ang papayagang sumakay sa mga public utility vehicle.

Gayunpaman, sa ilalim ng House Bill (HB) 2550 na inakda ni PBA party-list Jericho Nograles, naglagay ito ng parusa sa mga pasaway na biker, tulad ng multang P5,000 hanggang P10,000 kapag lumabag ang mga ito sa itinatakdang batas para sa bikers at maging sa kasalukuyang batas trapiko.

Kabilang sa ipagbabawal ang lumabas sa bike lanes, mag-angkas, ‘di pagsusuot ng protective gear, walang reflective materials sa likod at harap ng bisikleta, at iba pa.

TUTULONG MAGPALUSOG

Sa nasabi ring pagdinig, sinabi ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na lalong lulusog ang mga tao sa paggamit ng bisikleta sa pagpasok sa trabaho bilang alternatibong sasakyan ngayong panahon ng pandemya.

“The original intent of this author was to promote a healthier lifestyle, a cleaner environment and at the same time offer a solution to the heavy volume of vehicles that cause traffic in our major thoroughfares,” ani Velasco, may akda sa HB 4493 o “Bisikleta Para Sa Kinabukasan Act”. BERNARD TAGUINOD

76

Related posts

Leave a Comment