NAGPIYANSA sa pamamagitan ng kanyang abogado si Peter Joemel Advincula, ang lalaking nagpakilalang si ‘Bikoy’ at nagdawit sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte at kaalyado nito sa illegal drug trade.
Biyernes ng hapon nang magpiyansa ang abogado ni ‘Bikoy’ sa anim na counts ng estafa sa Baguio City.
Si ‘Bikoy’ ay kusang sumuko noong Huwebes at binawi ang lahat ng unang sinabi at bumaligtad sa pagsabing pakana ng kalaban ng administrasyon ang una niyang ibinunyag.
Idinawit nito ang ilang personalidad, religious sectors, maging si Leni Robredo at Senador Antonio Trillanes gayundin si Senador Rissa Hontiveros, sa destabilisasyon na naglalayong patalsikin ang Pangulo at iluklok si Robredo sa posisyon.
Patuloy na naka-confince si ‘Bikoy’ sa Philippine National Police (PNP) General Hospital matapos umanong tumaas ang blood pressure nito at makaranas ng pagkahilo at kakapusan ng paghinga.
188