BIKTIMA NG MALING SENTENSYA YAYAMAN

(NI BERNARD TAGUINOD)

YAYAMAN ang mga preso na biktima ng maling sentensya kapag naipasa ang isang panukalang batas na magbibigay sa kanilang ng sandamakmak ng salapi.

Sa House Bill (HB) 3916 na iniakda ni Camiguin Rep. Mercedes Cagas, kailangang magkaroon ng makatarungang kompensasyon umano ang mga Filipino na nasentensyahan sa krimeng hindi naman niya ginawa.

Ayon sa mambabatas, bagama’t umiiral ang Republic Act (RA) 7609 o “An Act Creating Board of Claims Under Department of Justice for Victims of Unjust Imprisonment or Detention of Victim of Violence and for Other Purposes”, hindi na umano sapat ang kompensasyon na ibinigay sa mga biktimang ito ng katarungan.

Base sa nasabing batas, P1,000 kada buwan ng pagkakakulong ang ibinigay sa mga taong biktima ng maling sentensya at karagdagang P10,000 para sa reimbursement ng kanyang pagpapahospital, nawalang kita at iba pa dahil sa pagpapakulong.

Gayunpaman, hindi na umano sapat ang halagang ito sa panahong ito kaya nais ng mambabatas na itaas sa P5,000 ang babayaran ng gobyerno sa bawat buwan ng kanilang papakulong.

Nais din ng mambabatas na itaas sa P60,000 ang ibibigay sa mga ito para sa kanilang nawalang kita at P100,000 bilang damage kada taon ng kanilang pagkakakulong at hiwalay na halaga na ibinayad ng mga ito sa kanilang abogado.

Iminungkahi ng mambabatas na kunin ang pondong ito sa National Treasury at kailangang umanong maipasa ang nasabing panukala dahil maraming tao ang nakulong ng mahabang panahon kahit walang kasalanan.

“This bill aims to reasonably compensate the loss, injury and damage of wrongfully convicted person by increasing the compensation authorized under RA 7309,” ani Cagas sa kaniyang panukala.

Hindi nagbigay ng datos ang mambabatas kung ilang preso na ang pinakawalan matapos mapatunayan ng Korte Suprema na walang kasalanan ang mga ito sa mga nagdaang panahon.

Subalit naniniwala si Cagas na maraming preso ngayon ang nakakulong kahit hindi sila ang gumawa ng krimen na ibinibintang sa kanila kaya dapat umanong bigyan ang mga ito ng malaking kompenasyon sa sandaling panatunayan na wala talaga silang kasalanan sa batas at biktima pa sila ng krimen.

 

218

Related posts

Leave a Comment