BILANG NG GUMAGALING SA COVID-19 PATULOY NA TUMATAAS

PATULOY na nadaragdagan ang bilang ng mga nakakarekober sa COVID-19.

Ito ay matapos muling makapagtala ang Department of Health (DOH) karagdagang 112 recoveries ngayong araw.

Dahil dito, mayroon nang kabuuang 1,618 ang bilang ng mga gumaling.

Ito na ang pinakamataas na bilang ng recovery na nai-report sa isang araw mula noong Lunes na may 101.

Ang bilang naman ng mga namatay ay umakyat sa 685 matapos madagdagan ng 27.

Nakapagtala rin ang DOH ng 339 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Sa naturang bilang, 205 umano ay galing Central Visayas; 110 sa National Capital Region at 24 sa iba’t ibang rehiyon.

Mayroon nang total 10,343 ang kaso ng COVID-19 sa bansa mula nang pumutok ang outbreak noong Enero. D. ANIN

79

Related posts

Leave a Comment