(NI BERNARD TAGUINOD)
AMINADO na umano si Department of Budget and Management Secretary Benjamin Diokno sa media, na totoong ang kanyang tanggapan ang nagpa-bidding sa mga proyekto ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Transportation (DOTr), na umaabot sa P168 billion noong nakaraang taon.
“As we conduct our next hearing on Monday, we will even show that the DBM earned billions from these anomalous transactions. All these money, unaccounted for according to COA (Commission on Audit),” ayon kay House Majority Leader Rep. Rolando Andaya Jr.
Dahil dito, nararapat lamang umano na humarap na sa pagdinig ng Kamara si Diokno upang personal niyang ipaliwanag, hindi lamang sa mga kongresista, kundi sa taumbayan, ang mga nabanggit na isyu.
Nagsimula ang imbestigasyon ng komite sa bilyong-bilyong flood control projects na ibinigay umano ni Diokno sa kanyang mga balae sa Casiguran, Sorsogon, ngunit isa-isang natutuklasan ang iba pang maanomalyang transaksyon ng DBM.
Samantala, hinamon ni Andaya si Diokno na magpakalalaki at humarap sa House rules committee investigation hinggil sa flood control project scam.
Ginawa ni Andaya ang pahayag matapos padalhan sa ikatlong pagkakataon, ng imbitasyon para sa pagpapatuloy ng pagdinig sa nasabing anomalya sa Lunes, Enero 21.
“As DBM top honcho, Sec. Diokno should be man enough to explain the anomalous allocations and questionable practices, which the House panel uncovered in the course of the investigation,” ani Andaya.
Ayon sa mambabatas, kailangang personal na ipaliwanag ni Diokno ang mga natuklasan ng komite tulad ng halos P200 billion proyekto na inimplementa umano ng DBM noong nakaraang taon.
248