(NI ABBY MENDOZA)
IPINAGTANGGOL ni House Majority Leader Rep. Martin Romualdez ang pagtaas ng budget ng Office of the President (OP) sa katwirang kailangan ang malaking pondo para masiguro ang maayos na serbisyo.
Kamakalawa ay inaprubahan ng House Appropriations Committee sa loob lamang ng pitong minuto ang P8.2 bilyon pondo ng OP para sa susunod na taon, mas mataas ito ng 21% kumpara noong 2019 na nasa P6.8 bilyon.
“The necessary financial support for the Office of the President is needed to secure the nation and provide better and meaningful service to the people,” paliwanag ni Romualdez.
Dinepensahan naman ni Appropriations Committee Chair Isidro Ungab ang mabilis na pag-apruba sa budget ng OP nang hindi pa nakapagprisinta si Executive Secretray Salvador Medialdea, aniya, kurtosiya lamang ito ng Kamara .
” The same traditional courtesy was accorded to the 2020 national budget of the Office of the Vice President (OVP), judiciary, constitutional commissions and departments headed by former members of Congress like the Department of Information and Communications Technology (DITC) being led by Secretary Gregorio ‘Gringo’ Honasan,” paliwag ni Ungab.
149