BISHOP BACANI: MOMO CHALLENGE GAWA NG DEMONYO

bacani1

(NI HARVEY PEREZ)

NANINIWALA ang Simbahang Katoliko na gawain ng isang demonyo, ang kontrobersiyal na Momo challenge.

Ayon kay Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr., anumang nagdadala sa sinuman sa pananakit sa sarili o pananakit sa kapwa ay hindi nagmula sa Diyos kundi gawain ng demonyo.

Ito ang inihayag ni Bacani sa sa pangamba ng mga magulang sa mga online at social media challenge na nagdudulot ng masamang epekto sa mga kabataan.

Pinayuhan ng  Obispo na dapat na mag-ingat ang bawat isa sa pakikilahok sa anumang laro o pagsubok na walang katiyakan ang layunin at hangganan.

Hinikayat ng Obispo, ang mamamayan na suriing mabuti  ang pakikilahok sa anumang laro, samahan o grupo at makabubuti hindi lamang sa kapanakanan ng pangangatawan, kalusugan at puso ng bawat indibidwal kundi maging sa mismong kaluluwa.

Una nang nagbigay ng paalala sa mga magulang na bantayan ang kanilang anak sa paggamit ng internet matapos ang pagpapatiwakal ng isang 11-taong gulang na bata na hinihinalang dahil sa kumakalat na online challenge na nag-uutos ng pananakit ng kapwa at sarili.

Makikita  sa naturang ‘momo challenge’ ang nakakatakot na larawan ng isang babae na base sa isang sculpture sa isang museum sa Japan ay nagsimula sa isang messaging app.

Kapag nakipag chat ka ay uutusan ang mga biktima na kadalasan ay mga bata na saktan sarili at kapwa na kumalat na rin maging sa youtube at sa iba pang social media platforms.

Iginiit ni  Bacani, ang makabagong teknolohiya ay dapat na gamitin para sa ikabubuti ng mamamayan at hindi para sa ikasasama ng sinuman.

 

 

160

Related posts

Leave a Comment