(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)
MULING nanawagan si dating executive secretary Atty. Vic Rodriguez sa sambayanang Pilipino na samahan siya sa kanyang kampanyang war on corruption.
Sa isa sa mga public forum ng Hakbang ng Maisug sa Dumaguete City kamakailan, binanggit ng unang executive secretary ng administrasyong Marcos na isusulong niya ang pagbabalik ng death penalty para sa kasong plunder at drug trafficking sakaling palarin siyang makapasok sa Senado sa 2025 midterm elections.
“Sakaling ako ay pahiramin ninyo ng inyong tiwala’t mandato na maging tinig ng 𝐓𝐔𝐍𝐀𝐘 𝐍𝐀 𝐎𝐏𝐎𝐒𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐬𝐚 𝐒𝐄𝐍𝐀𝐃𝐎, aking isusulong ang 𝐖𝐀𝐑 𝐎𝐍 𝐂𝐎𝐑𝐑𝐔𝐏𝐓𝐈𝐎𝐍 at pangungunahan ang 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐔𝐆𝐈𝐒 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐓𝐈𝐖𝐀𝐋𝐈 sa gobyerno.
Ang maibalik ang 𝐃𝐄𝐀𝐓𝐇 𝐏𝐄𝐍𝐀𝐋𝐓𝐘 ay ang aking 𝐌𝐀𝐈𝐒𝐔𝐆 na ambag sa Pilipino para sa Pilipinas!” saad ni Atty. Rodriguez.
Si Rodriguez ay naghain ng kanyang certificate of candidacy bilang senador para sa halalan sa susunod na taon.
Nauna nang hinimok ni Atty. Rodriguez ang publiko na singilin at papanagutin ang mga nang-aabuso sa gobyerno partikular sa pondo ng bayan.
Binibigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagbabantay ng taumbayan sa mga proyekto ng pamahalaan, ibinigay na halimbawa ang P550 bilyong flood control projects ng gobyerno.
“Kayo ho ba sa konting pag-ulan lang ay binabaha kayo, alam nyo po bang may P550 bilyon pondo para sa flood control projects? Saan nila dinala ang pondong ito? ‘Wag ho tayo papayag na magpatuloy sila sa kanilang mga kabaluktutan na ginagawa,” aniya.
Patuloy namang lumalaki ang suporta sa idineklarang ‘war on corruption’ ni Atty. Rodriguez.
Katunayan, mainit ang suporta ng mga taong kanyang nakakasalamuha sa mga pagtitipon kung saan siya naiimbitahan.
40