BONG PUMALAG SA BALAK NA PAGLAHOK NI DE LIMA SA SENATE SESSION

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

TINAWAG na double standard ni Senador Bong Revilla ang resolusyon nina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na nagsusulong na payagan si Senador Leila de Lima na makalahok sa sesyon sa pamamagitan ng teleconferencing mula sa Kampo Crame.

“The double standards and sense of entitlement of some people are frankly quite disheartening,” saad ni Revilla.

Iginiit ng senador na  noong siya ay nakulong dahil sa tinawag nitong politically motivated charges, ilang grupo ang nag-iingay upang hindi siya makasali sa Senate proceedings na kinabibilangan anya ni de Lima.

Nagdesisyon din anya ang liderato ng Senado noon na ang kawalan ng tatlong senador ay hindi naman makaapekto sa trabaho ng Mataas na Kapulungan.

“Wala yang pinagkaiba sa sitwasyon ko noon. Halatang halata naman ang special treatment ‘pag pinayagan ‘yan ngayon,” diin ni Revilla.

“Equal protection and fair play dictates that Leila De Lima cannot be allowed to participate in Senate proceedings, even if only remotely,” dagdag pa nito.

Sa kabilang dako, suportado naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang panukala sa pagbibigay diin na ibinoto si de LIma ng 14.2 milyong tao.

“Her being behind bars, on charges she has not been convicted yet, should not be a bar in the performance of her duties, especially the aspect which, thanks to technology, can be rendered remotely,” saad ni Recto.

118

Related posts

Leave a Comment