BORDER CONTROL HIGPITAN VS DELTA VARIANT

KINALAMPAG ni Senador Nancy Binay ang Inter-Agency Task Force (IATF) na higpitan pa ang pagbabantay sa mga paliparan at daungan laban sa pagpasok ng Delta variant ng COVID-19 na mas mabilis kumalat at makahawa.

Sa pahayag, sinabi ni Binay na kailangan nang higpitan pa ng pamahalaan ang border control dahil malapit na tayo sa tipping point ng pandemya.

“Malapit na tayo sa tipping point. Hindi lang naman Covid ang concern ng lahat ngayon–we are already full with other things beyond our control,” ayon kay Binay.

Sinabi rin nito na patuloy na sinasalanta ng pagtaas ng bagong kaso ng COVID-19 ang ating pagamutan at patuloy itong magbibigay ng stress sa pagod nang public health system.

“With the potential brunt of the Delta variant, dalawang bagay sa ngayon ang kailangan bigyan ng focus ng gobyerno: stricter border controls, and save the healthcare support system from a possible collapse,” giit ni Binay.

Sinabi ni Binay na kailangan nang kumilos at maghanda ang Department of Health (DOH) laban sa pagkahawa ng health care workers sa bagong Delta variant na tiyak na makapipinsala sa ating sistema.

“I hope government finds practical ways to protect our HCWs dahil sila ang mas exposed at mas prone sa infection because of the high viral load in hospitals,” ayon kay Binay.

“Ramdam mo sa kanila ang frustration at desperation,” dagdag niya. (ESTONG REYES)

38

Related posts

Leave a Comment