BRGY. OFFICIALS PINATUTULONG SA PAGTIYAK NA NASUSUNOD ANG HEALTH PROTOCOLS

NANAWAGAN ang isang mambabatas mula sa Kongreso sa lahat ng punong barangay sa bansa na lalong higpitan ang pagpapatupad ng quarantine protocols katulad ng pagsusuot ng face mask at social distancing kahit sa ilalim ng umiiral na general community quarantine.

Ang panawagan ay ipinaabot ni ACT-CIS Party-list Representative Niña Taduran partikular sa mga barangay leader na pag-ibayuhin ang pagpapaalala sa kanilang nasasakupan hinggil sa health protocol na maaaring makaligtaan na dahil sa pagiging abala ng tao ngayong marami na ang balik-trabaho.

“We are still in quarantine and COVID-19 is still around us. The numbers of affected are still rising. Barangays should be roving around to check the enforcement of health protocols in their communities. Provide masks and sanitizers to the frontliners especially the food vendors who continue to sell in the streets,” ani Rep. Taduran.

Nais din ng kongresista na paalalahanan ang mga brgy. official na mag-imprenta ng mga paalala ukol sa COVID-19 na nakasulat sa local dialects nang sa gayon ay madaling maintindihan ng kanilang nasasakupan.

Sinabi ng mambabatas na kailangang ulit-ulitin sa tao na ang virus ay nandito pa rin sa paligid at ang tanging panlaban sa ngayon ay ang disiplina sa sarili, pagsusuot ng face mask at pamalagiin ang healthy lifestyle.

“ACT-CIS Partylist has been continuously donating personal protective equipment, face masks and sanitizers to hospitals and communities, We cannot do it for everyone so I ask the barangays to do their jobs,” pahayag pa ni Rep. Taduran. CESAR BARQUILLA

59

Related posts

Leave a Comment