BRGY, SK ELECTIONS SA 2022, APRUB NA SA KAMARA

(NI ABBY MENDOZA)

APRUBADO na sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Representatives ang panukalang ipagpaliban ang May 2020 Barangay at Sangguninang Kabataan (SK) elections sa December 5, 2022.

Sa botong 194 na pabor at 6 na No ay aprubado na ang House Bill (HB) No. 4933.

Ang nasabing House Bill ay hindi na idadaan sa bicameral conference committee dahil ang nasabing bersyon ay kahalintulad din ng bersyon ng Senado na naipasa noong Setyembre.

Nangangahulugan na diretso nang ipadadala sa Malacanang para sa paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing panukala.

Dahil sa postponement ay awtomatiko na extended ang termino ng mga incumbent na barangay officials na nanalo noong May 2018.

Matatandaan na sa kanyang State of the Nation Addrress (SONA), sinabi ni Pangulong Duterte na nais nitong ipagpaliban ang barangay at SK election.

Nauna na ring na-reallign ng Kongreso  ang P5.7B budget na gugugulin sana dito sa pagpasa ng 2020 national budget.

 

158

Related posts

Leave a Comment