BRIONES: PREVENTIVE TAYO VS DENGUE

deped65

(NI MAC CABREROS)

PARA kay Education Secretary Leonor Magtolis Briones, mga paraan para maiwasan ang nakamamatay na sakit na dengue ang pinakamainam para rito.

“Sa amin, preventive not curative. Kalinisan sa kapaligiran at malakas na immune system,” reaksyon Sec. Briones sa ulat na pinapabalik ang bakunang Dengvaxia bunsod nang patuloy na pagdami ng bilang ng nagkakasakit sa dengue saan umabot na sa 130,000, ayon sa Department of Health.

Aniya, ituturo sa mga bata ang 4S para mapuksa ang lamok na nagdadala ng virus gayundin kung paano mapalakas ang immune system ng katawan na siyang lalaban sa virus.

Sinabi pa nito na DoH ang siyang punong namamahala at kaagapay o katuwang lamang ang DepEd gayundin at iba pang ahensya ng gobyerno sa pagkikipagtulungan ng local government units hinggil sa nasabing sakit.

Samantala, idinepensa ni Sec. Briones ang pagpapasuspinde sa operasyon at pagsasara sa mahigit 20 paaralan gaya ng mga Lumad schools.

Sa panayam ng media sa paglulunsad ng 2019 Global Education Monitoring Report, binigyan-diin Briones na ipinatutupad lamang nila ang kanilang mandato alinsunod sa itinatakda ng batas.

“Obligasyon namin na ipatupad ang patakaran at panuntunan,” sabi ni  Sec. Briones at binanggit na hindi nakatutupad sa pamantayan ang mga sinuspendi at ipinasarang paaralan.

Naiulat na ginagamit ang mga paaralan bilang ‘training ground’ ng mga bata bilang rebelde kontra sa gobyerno.

252

Related posts

Leave a Comment